Bahagyang naibsan ang init sa Taguig at katimugang bahagi ng Metro Manila makaraang bumaba sa 41 degrees Celsius ang heat index ngayong araw na ito, Mayo 3, 2024.

News Image #1


Subalit nasa mapanganib na 47 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan at Aparri, Cagayan ngayong Biyernes.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang patuloy na pagkabilad sa ganito kainit na temperatura ay maaaring magsanhi ng pulikat, pagkawala ng tubig sa katawan at pagka-stroke.

Ang Roxas City, Capiz naman ay nasa 45 degrees Celsius at ang Laoag, Ilocos Norte ay nasa 44 degrees Celsius.

44 degrees Celsius din sa Iba, Zambales; Cuyo, Palawan; Virac, Catanduanes; Pili, Camarines Sur; at Zamboanga City.

Ang Bacnotan, La Union; Tuguegarao, Cagayan; Casiguran, Aurora; San Jose Occidental Mindoro; Puerto Princesa, Palawan; at Aborlan, Palawan ay nasa 43 degrees Celsius ngayong Biyernes.

42 degrees Celsius naman ang Batac, Ilocos Norte; Baler, Aurora; Olongapo City; Infanta, Quezon; Coron, Palawan; Calapan, Oriental Mindoro; Daet, Camarines Norte at Legaspi City, Albay.

(Photo by Dek Terante)