Nasa mapanganib na lebel pa rin ang heat index sa Taguig City at katimugang bahagi ng Metro Manila makaraang ihayag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa 42 degrees Celsius ang forecast nito sa klima sa istasyon nito sa NAIA (Pasay City) ngayong Mayo 6, 2024.
Ang Science Garden naman sa Quezon City ay tinatayang magtatala ng 41 degrees Celsius na pakiramdam ng init ngayong Lunes.
Pinakamatindi ang heat index sa Aparri, Cagayan at Dagupan City, Pangasinan na nasa 47 degrees Celsius, na mananatili sa ganitong antas sa Mayo 7, Martes.
Samantala, nasa 45 degrees Celsius naman ang Laoag City, Ilocos Norte, CBSUA-Pili, Camarines Norte at Guiuan, Eastern Samar.
44 degrees Celsius ang heat index sa sumusunod:
• Bacnotan, La Union
• Tuguegarao City, Cagayan
• San Jose, Occidental Mindoro
• Virac, Catanduanes
• Roxas City, Capiz
• Catbalogan, Samar
43 degrees Celsius ang tinatayang heat index sa Mayo 6 sa sumusunod:
• ISU Echague, Isabela
• Sangley Point, Cavite
• Ambulong, Tanauan, Batangas
• Puerto Princesa, Palawan
• Cuyo, Palawan
• Daet, Camarines Norte
• Dumangas, Iloilo
• Catarman, Northern Samar
42 degrees Celsius ang tinatayang matatala sa mga sumusunod na lugar:
• Sinait, Ilocos Sur
• MMSU Batac, Ilocos Norte
• Baler, Aurora
• Casiguran, Aurora
• Cubi Pt. Subic Bay, Olongapo
• Masbate City, Masbate
• Iloilo City, Iloilo
• Tacloban, Leyte
• Borongan, Eastern Samar
• Dipolog, Zamboanga del Norte
(Larawan ni Dek Terante)
Taguig nasa 42 Degrees Celsius ang Heat Index Ngayong May 6, 2024; 47 Degrees Celsius sa Aparri at Dagupan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: