Pinarangalan ang Public Employment Service Office (PESO) ng Taguig City dahil sa kanilang kahusayan sa pagganap sa tungkulin.
Sa huling flag ceremony sa taong ito na isinagawa sa harapan ng Taguig City Hall noong Disyembre 23, 2024, pinuri ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang PESO sa kanilang kahusayan makaraang kilalanin ng Department of Labor - National Capital Region sa mga sumusunod na kategorya:
* 2023 Search for Best PESO - Finalist, Highly Urbanized City Category
* 2023 Best Performing PESO - Best in Career Guidance & Employment Coaching: Bracket 4
* 2023 Best Performing PESO Special Citation - PESO with Highest Number of SPES Beneficiaries for 3 consecutive years
"Tayo ay natutuwa na naihatid ng ating Lungsod ang seguridad at oportunidad sa ating mga Taguigueño. Tunay ngang 'Teamwork makes the dream work,' dahil ang mga parangal na ito ay naging posible sa tulong ng pagkakaisa at pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod at ng ating masisipag na kawani," ayon kay Cayetano sa kanyang Facebook post.
Naniniwala si Cayetano na hindi magtatapos dito ang pagkilala sa kahusayan ng Taguig sa paglilingkod bayan.
(Mga larawan mula sa FB Page: Lani Cayetano)
Taguig PESO, Pinarangalan ng DOLE NCR | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: