Magbabalik ang Pet Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Barangay Pembo, Taguig bukas, Enero 25, 2025.

Inaanyayahan ang mga residente ng Barangay Pembo na may mga alagang aso at pus ana dalhin ang kanilang mga alaga para sa mga libreng serbisyo tulad ng iniksyon ng anti-rabies vaccine, pagkakapon at konsultasyon.

News Image #1


Ipinapaalala lamang ng Office of the City Veterinarian - Taguig na tanging mga pet owners lamang muna ng Barangay Pembo ang kanilng tatanggapin dahil mag-iikot din naman ang Pet Caravan sa iba pang barangay ng Taguig.

Kabilang sa mga libreng serbisyong ibibigay sa mga alagang aso at pusa ng mga taga-Barangay Pembo ay: pet deworming, anti-rabies vaccination, microchipping, vitamin shots at iba pang gamot, kapon at konsultasyon.

News Image #2


Kailangan lamang na magdala ng balidong ID na may address sa Taguig City, updated vaccination card ng alaga kung mayroon, kulungan o tali para sa alaga, paglalagyan at panlinis ng dumi ng alaga, at dapat ay naka-diaper ang alaga at may busal kung agresibo o nangangagat.

Ang mga papayagan lamang na bigyan ng kotra bulate ay may edad na 2 linggo pataas at malusog, at ang mga bibigyan lamang ng anti-rabies vaccination ay may edad 3 buwan pataas at walang nakagat sa mga nakaraang araw at malusog.

Ang mga ikakapon naman ay kailangang 6 na buwang gulang pataas at ang timbang ay 3 kilo pataas. Bawal ang buntis, nagpapasuso o naglalandi. Kailangan ding hindi kumain ng 6 hanggang 8 oras bago ikapon.

Para sa karagdagdang katanungan, maaaring bumisita sa Facebook Page ng Office of the City Veterinarian: https://www.facebook.com/ocv013

(Mga larawan ng Office of the City Veterinarian - Taguig)