{Kuha ni Dexter Terante, sa report ni Jayson Pulga)
Sinamahan si Olazo ni Commission on Elections (Comelec) Officer II Marlon Ogerio sa pag-iinspeksyon sa Comelec COC Filing Area sa Convention Center ng Bagong Taguig City Hall sa Barangay Ususan.
Nagpalabas ng mga tauhan ang Taguig City Police upang matiyak na magiging mapayapa ang pagsasagawa ng filing ng COC hanggang sa Oktubre 8, 2024.
Samantala, ipinagmalaki ng Taguig City Police Station ang kanilang tagumpay sa pagmamantina ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod sa pamamagitan ng pag-aresto sa ilang tao na may kinalaman sa mga ilegal na aktibidad mula Setyembre 23 hanggang 29, 2024.
Umabot sa 25 indibidwal ang naaresto na may kinalaman sa droga at nakakumpiska ang Taguig City Police ng mga ipinagbabawal na gamot na umaabot sa ₱851,003.20.
Labingapat ang naarestong mga wanted sa batas at apatnapu't dalawang indibidwal naman ang naaresto sa ilegal na pagsusugal.
Ang mga lumabag naman sa mga ordinansa ng siyudad na naaresto ay umabot sa 3,362 indibidwal na makaraang ma-warningan ay pinalaya rin.
"Taguig City Police Station remains committed in its mandate of combatting criminality and maintaining the City of Taguig a safer place to live," ayon sa post ng Taguig City Police.
(Mga larawan ni Dexter Terante)