Ang makulay na Taguig River Festival ay muling uusad ngayong taong ito sa sunod-sunod na selebrasyon bilang paggunita sa Araw ng Kapistahan ni Santa Ana ngayong katapusang linggo ng Hulyo.

News Image #1


Isang Pagpupugay kay Lola, sa pakikipagtulungan ng Minor Basilica at ng Archdiocesan Shrine Parish of St. Anne at Regatta ang isasagawa sa Hulyo 24, 2024.

News Image #2


Indakan sa Daan naman ang magaganap sa Hulyo 25, 2024, at sa pagtatapos ng seleabrasyon ay may Pagoda sa Ilog na isasagawa sa Hulyo 26, 2024.

Ang Taguig River Festival ay isinasagawa taun-taon sa huling linggo ng Hulyo upang ipagdiwang at pasalamatan ang masaganang ani ng banak (sea mullet) na galing sa Ilog ng Taguig. Kilala ang lugar ng Taguig bilang fishing village ng mga unang taon ng pagkakatatag nito, at ang banak ang isa sa mga nakukuha sa ilog na ipinagpapasalamat ng mga Taguigeño.

Bahagi na ng kultura at tradisyon ng mga Taguigeño ang selebrasyon kung saan kabilang dito ang parada sa ilog at Regatta.

Sa mga lalahok sa Pagoda sa Ilog sa Hulyo 26, may mga ipinalabas na alituntunin ang Komiteng Tagapangasiwa. Kabilang dito ang mga sumusunod:

1. Lahat ng mga kalahok na bangka ay dapat nakarehistro sa Lake and River Management Office (09171573639/ 09560872179/ 09569847278)
2. Mga bangkang de-motor na nakarehistro lamang ang papayagang sumali.
3. Lahat ng mga kalahok na bangka ay kailangang magsumite sa LRMO (sa ilalim ng Sta. Ana-Bambang Bridge) ng manipesto hanggang alas-12 ng tanghali ng July 24, 2024. Maaring i-download ang form ng manipesto sa link na ito:
https://bit.ly/PagodasaIlogForm
4. Tanging ang mga bangkang may numero at official logo ng Taguig River Festival ang papayagang sumali.
5. Sisiyasatin ng Coast Guard ang mga rehistradong bangka at ang kanilang mga manipesto upang masiguro na -
• 10 katao lamang ang sakay sa bawat bangka;
• Lahat ng kalahok ay nakasuot ng life jacket;
• Lahat ng bangka ay mayroong safety equipment, kabilang na ang buoy at first aid kit;
• Bawal sumakay ang mga menor de edad sa bangka;
• Bawal tumalon at lumangoy sa Taguig River at Laguna Lake habang nagaganap ang Pagoda sa Ilog;
• Bawal magtapon ng basura sa ilog at lawa.
6. Ipinagbabawal na dalhin - at kukumpiskahin - sa mga bangka ang mga sumusunod:
a. Alak;
b. Paputok;
c. Droga at mga ipinagbabawal na gamot;
d. Baril;
e. Anumang uri ng sandata;
f. Lobo.
7. Ang pantalan sa may Pulong Kendi, Brgy. Sta. Ana ang magsisilbing tanging docking area kung saan magsisimula at magtatapos ang nga bangka na sasali sa Pagoda sa Ilog. Hindi papayagang pumasok o lumabas ang mga bangka sa ibang pantalan na nasa ruta ng Pagoda.
8. Kapag may naitalang Typhoon Signal ang PAGASA, ang Philippine Coast Guard ay hindi pahihintulutan ang pagdaraos ng Pagoda sa Ilog.

News Image #3

News Image #4


(Mga larawan mula sa Taguig PIO)