Inaasahan ang magandang panahon sa Sabado, Hulyo 27, 2024, para sa pagsasagawa ng Taguig River Festival bilang selebrasyon sa Kapistahan ni Santa Ana.

News Image #1

(Paghahanda ng Lake River and Management Office ng Taguig)

Dahil sa okasyong ito, isasara ang bahagi ng General Luna Street mula Global Oil hanggang Mr. DIY sa Barangay Tuktukan, Taguig mula alas 10:00 ng gabi sa Hulyo 26 hanggang alas 10:00 ng gabi sa Hulyo 27.

News Image #2

(Larawan ng Taguig PIO)

Maaaring gamitin ng mga motorista ang mga rutang ito:

* ang mga manggagaling sa Cayetano Boulevard ay kakanan sa Vista Mall/Bagong Kalsada at saka kakanan muli sa General Luna Street upang makarating sa MLQ.

* Ang mga sasakyan na manggagaling sa Bagumbayan ay kakanan, saka kakaliwa upang marating ang Cayetano Boulevard / Pasig sa pamamagitan ng Bagong Kalsada.

Samantala, ang Indakan sa Daan na dapat ay gagawin ngayong Hulyo 25 ay isasagawa na sa Sabado, Hulyo 27.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig, nais nilang matiyak na magiging ligtas ang lalahok sa Indakan sa Daan na bahagi ng Taguig River Festival na isang pagpupugay kay Santa Ana.