Nagbabalik ang pagoda sa Ilog ng Taguig at iba pang mga kasiyahan para sa pagdiriwang ng Taguig River Festival sa Hulyo 25 hanggang 26, 2023.
Magsasagawa ng Regatta o karera ng mga bangka sa Hulyo 25 na araw rin ng mga lolo at lola.
Mayroong brass band exhibition, Indakan sa Daan, Alay sa Mangingisda at Magsasakang Taguigueño, at Pagoda sa Ilog sa Hulyo 26 kung saan paparada ang sari-saring mga bangka.
Ang Taguig River Festival ay orihinal na kilala bilang Santa Anang Banak Taguig River Festival na ginagawa taun-taon, bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap ng mga mamamayan ng Taguig.
Ayon sa kasaysayan, ang patron saint ng Taguig na si Saint Anne, ina ni Mama Mary, ay inipon ang mga "taga-giik" o mga nag-ani ng palay sa kailugan noong taong 1587 nang mawala ang lahat ng kanilang inani. Sa ilog, natagpuan nila umano ang umaapaw na isdang banak o lobed river mullet na naging pagkain ng mga taga-giik. Tuwing Hulyo sa mga sumunod na taon, ang Taguig river ay palagi umanong puno ng banak.
Bilang bahagi ng kanilang pasasalamat, ang mga nangingisda ng banak ay nagtatapon ng ilang mga nahuli nila sa mga mamamayang nakatira sa gilid ng ilog. Ang mga nasa tabing ilog naman ay nagtatapon sa mga nakabangka ng kanilang mga produkto. Ang aktong ito ay tinawag na "pasubo."
(Larawan mula sa FB: I Love Taguig at sa Market Manila)
Taguig River Festival, Isasagawa sa Hulyo 25 at 26 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: