Kampeon ang Taguig Science High School, Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School at Pitogo High School sa iba't ibang kategorya sa Summer Robot Games International Open and Youth Robotics Convention 2024 sa De La Salle Santiago Zobel School sa Alabang, Muntinlupa City noong Hulyo 11 at 12.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
Nagkampeon sina John Benedict Natividad at Zaira Rose Borja sa Sumobot 5 kilogram - Autonomous Open Category.
Mula rin sa Taguig Science High School, nanalo bilang 1st runner up sa Sumobot 5 kilogram RC Open Category sina Zoe Rizlyn Borja at Zachary Reilley Borja.
1st runner up naman sa Innovative Category - Junior sina Zaira Rose Borja at Zoe Rizlyn Borja
3rd runner-up sina Anastasia Freyja Gabrille Cabugon at Niciel Joy S. Tolentino sa Sumobot 5kg RC - Open Category at Innovative Category - Junior division.
2nd runner-up naman sina Mateo Enrique Dizon at Xaniel Mikrej Lim sa Innovative Category - Junior division.
Si Mateo Enrique Dizon naman ay 3rd runner-up sa IBeam Line Tracing - Junior category.
Nanalo rin ang isa pang representante ng Taguig Science High School, si Xaniel Mikrej Lim sa IBeam Line Tracing - Junior category.
Samantala, si George Lean Tizon ng Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School ay nagkampeon sa Innovation Category - Senior division.
Si Tizon at ang kamag-aral nitong si Gilleene Jazz Luyun ay nagwagi ng 1st runner-up sa Mission Challenge.
Ang grupo naman nina George Angelo Tizon, Carl Angelo Osias, Gilleene Jazz Luyun at Gillian Bren Luyun ay 1st runner-up sa Incredible Machine.
Nakuha rin nina Gilleene Jazz Luyun at Gillian Bren Luyun ang puwestong 1st runner-up sa Innovative Category - Senior division.
Sina Hannah Regaspi at Alyssa Zoey Samonte naman ang nanalo ng 2nd runner-up sa
Innovative Category- Junior division.
SinaJames Nathaniel Isagon
at Guinevere Celis ang 2nd runner-up sa Mission Challenge.
3rd runner-up naman si James Nathaniel Isagon sa IBeam Line Tracing - Senior division.
Ang mga pambato ng Pitogo High School na sina Rose Nelyn Andalajao at John Andrei Cabebe ang nag-kampeon sa Mission Challenge.
Ang mga estudyante ng RP Cruz Elementary School ay naguwi rin ng karangalan.
Kabilang dito sina Japeth MCFrey Ochoa at Celestine Alexa Sadsad na nag-2nd runner-up sa 1kg Basic Sumobot - Junior division.
Si Amity Chloe Foronda naman ang nag-3rd runner-up sa 1kg Basic Sumobot- Junior division at si Marcus Renz Esporlas ay 3rd runner-up sa iBeam Line Tracing - Junior division.
Taguig Robotics Team, Wagi sa Summer Robot Games sa De La Salle Zobel - Alabang | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: