Ipinagmamalaki ng Philippine National Police (PNP) ang kabayanihang ginawa ng Taguigeñong police trainee na si August David, Jr. noong Oktubre 6, 2023, makaraang sagipin ang isang batang babaeng muntik nang malunod sa Taytay, Rizal.
Sinabi ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, Jr. na ikinagagalak nila ang aksyon ni David, na nagsasanay upang maging pulis sa ilalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na walang takot na tumalon mula sa Barkadahan Bridge upang sagipin ang 14 na taong gulang na batang babae mula sa ilog.
"David's unwavering dedication to the safety and well-being of our fellow citizens is an example of the values that the PNP upholds. His immediate and fearless response to a life-threatening situation is a testament to his vow to serve and protect, even at the risk of his own life.
We salute PT August David for his exceptional bravery and boldness in the face of danger. His actions represent the very essence of selfless service and sacrifice, qualities that are integral to the mission of the PNP," ayon kay Acorda.
Idinagdag pa ni Acorda na ang katapangan at paglilingkod ni David nang walang pag-iimbot ay dapat tularan. "It is with great pride that the PNP has a dedicated public servant like PT David, who is willing to sacrifice for the safety and protection of our fellow countrymen. He is truly worthy of praise and serves as an epitome of selflessness and unwavering commitment to duty."
Hinahangad ni Acorda na tutularan ng iba pang pulis ang ipinakitang tapang at hindi pagiging makasarili ni David.
Si David ay taga-Barangay Katuparan, Taguig City, at nagkataong dumadaan sa bahagi ng Barkadahan Bridge ang kanyang sinasakyang jeep nang mapansin ang mga nagkakagulong tao sa tulay.
Agad itong bumaba sa jeep, at nang makita ang nalulunod na batang babae ay agad syang tumalon sa ilog upang sagipin ito.
Ang bata ay nasa maayos nang kalagayan makaraang dalhin sa Taytay Emergency Hospital.
(Photos by Valenzuela Police)
Taguigeñong Police Trainee na Sumagip sa Batang Nalulunod, Pinapurihan ng PNP Chief | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: