Lumagda ng kasunduan ang Taguig City, CareSpan, at Temasek Foundation ng Singapore upang mas mapaganda at maging mas moderno pa ang serbisyong pangkalusugan sa mga Taguigeño.

News Image #1


Popondohan ng Temasek Foundation ng S $2.12 milyon ang imprastraktura upang magkaroon ng access sa makabagong Digital Health Care platform ang may 350, 000 na mga mahihirap sa Taguig na lubos na nangangailangan ng tulong sa pangangalaga sa kanilang kalusugan.

Ang kasunduan sa pilot program na ito na pagtutulung-tulungan ng CareSpan Asia, Incorporated, Temasek Foundation at Taguig City Government sa ilalim ng Public-Private-Philantrophic Partnership (PPPP) ay nilagdaan sa Grand Hyatt Hotel, Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, Taguig City kahapon, Agosto 16, 2024.

Sinaksihan ni Singapore Minister for Health Mr. Ong Ye Kung ang naturang lagdaan ng kasunduan.

News Image #2


Magkakaroon ng sistema para sa electronic medical records ng mga Taguigeño at gayundin ang konsultasyon at pagrereseta sa pamamagitan ng telemedicine na ipapasok sa lokal na programang pangkalusugan ng Taguig City.

Sasanayin ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang mga volunteers at health workers sa aspetong ito, at tuturuan sila ng pamamaraan upang mahikayat ang mga mamamayan sa mahihirap na komunidad na alagaan lagi ang kanilang kalusugan at mag-enroll sa Universal Health Care.

Binigyang-diin ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang kahalagahan ng partnership na ito sa pagbibigay ng kalidad at pantay na pangangalaga sa kalusugan sa mga mamamayan nito.

"Our mission in Taguig has always been to provide equitable access to quality and affordable healthcare for all. We have pioneered programs in the country by offering comprehensive care, including nutrition, wellness, and various medical services, bringing healthcare closer to our community - sometimes even directly to their doorsteps," ayon sa alkalde.

Sinabi naman ng founder at chairman ng CareSpan na si Nonoy Colayco na hindi lamang ang teknolohiya ng electronic medical record system ang kanilang kontribusyon kung hindi mas papadaliin din ang pag-ugnay sa PhilHealth Konsulta Package.

"CareSpan is dedicated to transforming healthcare for the underserved with the goal of ending health poverty through technology by providing Electronic Medical Record (EMR) systems and eClaims, to make healthcare more accessible and affordable. We empower health facilities by unlocking financial resources through PhilHealth Konsulta claims ensuring that even the most vulnerable communities receive the care they deserve," ayon kay Colayco.

Ang Temasek Foundation, ayon naman kay Kee Kirk Chuen, pinuno ng Health and Well-Being division nito, na may 17 taon na ring nagsasagawa ng mga programa sa Pilipinas ang kanilang foundation na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, pamamahala sa publiko at kahandaan at pagtugon sa sakuna.

"The foundation will provide catalytic funding for these two new innovative programmes to offer proof of concept, with the aim of having them scaled by the government or private capital to benefit more Filipinos," ayon kay Chuen.

(Mga larawan mula sa Facebook Page: Lani Cayetano)