Ilegal na droga na Philopon ang ibinebenta ng isang takas na South Korean na lalaki na nagtago sa Pilipinas at kamakailan ay nahuli ng Bureau of Immigration - Fugitive Search Unit (BI-FSU).

News Image #1

(Larawan ng Bureau of Immigration)

Sa ngayon ay nasa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, ang 37 taong gulang na si Seo Jungchul na may deportation order na noon pang 2019.

Naaresto si Seo sa Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga noong Oktubre 7, 2024 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Seoul Central District Court noong 2017 makaraang mahatulan na ito sa paglbg sa narcotics control act ng kanilang bansa.

Napag-alaman mula sa mga otoridad sa South Korea na si Seo ay bumibili, kumokonsumo at nagbebenta ng Philophon, isang uri ng methamphetamine, na kadalasang inaabusong droga sa Korea.

Nasa Interpol red notice ng pangalan ni Seo at pinawalang-bisa na rin ang pasaporte nito. Inaasahang mapapatapon na pabalik ng South Korea si Seo sa lalong madaling panahon.