Ang mga talentadong senior citizens ng Taguig City ay lumahok sa kumpetisyon ng pagsayaw at pagpapakita ng talento sa panggagaya bilang bahagi ng selebrasyon ng Araw ng mga Lolo at Lola sa Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Setyembre 12, 2024.
Tatlumpung pares ng senior citizens ang lumahok sa Dance Sport 2024 competition noong umaga ng Setyembre 12 kung saan nag-kampeon sina Didi Provost at Arnulfo Agustin ng Barangay Bambang at nagkamit ng premyong P20, 000.
First runner-up naman sina Annie Garcia at Pancho Certeza ng Barangay Lower Bicutan at nagkamit ng gantimpalang P16,000; 2nd runner-up sina Josephine Arceo at Virgilio Vergara ng Barangay Pitogo at may premyong P12,000; 3rd runner-up ang pares nina Dionisia Erencio at Avelino Claudio ng Barangay Wawa at binigyan ng P8,000; 4th runner-up sina Ma. Eleanor Encarnacion at Virgilio Calaque ng Barangay South Signal na may premyong P5,000; at 5th runner-up sina Josephine Cruz at Andarnulfo Castillo ng Barangay Pembo na binigyan ng gantimpalang P4, 000.
Noong hapon naman, isinagawa ang "Kayang-kaya, Gayang-gaya: The Ageless Talent Show" kung saan ginaya ng mga seniors ang kanilang mga idolo.
Nagwagi naman dito bilang kampeon si Charito De Leon ng Barangay Ususan na gumaya kay Madonna at nanalo ng P20,000; 1st runner-up si Ma. Levy Canaria ng Barangay Wawa at nagwagi ng P15,000; 2nd runner-up si Anita Gime ng Barangay Western Bicutan at nag-uwi ng P10,000; 3rd runner-up si Estrelita Garcia ng Barangay Lower Bicutan at nagkamit ng P8,000; at 4th runner-up si Berlin Bunyi ng Barangay Ibayo Tipas at may premyong P6,000.
Ang Office of the Senior Citizen Affairs, sa pakikipagtulungan ng Taguig Association of Senior Citizens, ang nagpasimuno sa naturang kaganapan na dinaluhan ng may 600 senior citizens.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang selebrasyon ay nagpakitang mahuhusay at malalakas pa ang mga senior citizens ng Taguig.
"This is more than just a presentation, this is more than just a competition. Ang dami pong nakatingin na senior citizens sa ating pong lungsod at sa buong bansa na kapag nakikita kayong still very active, still very energetic in showing po your talents, marami po kayong nai-inspire," ayon kay Cayetano/
Ang bawat nanalo sa mga patimpalak ay nakatanggap din ng sertipikasyon at plake. Ang mga hindi nanalo ay nabigyan naman ng tig-P3, 000 na consolation prize.
(Mga larawan mula sa I Love Taguig FB Page)
Talentadong Senior Citizens ng Taguig, Nagpakitang Gilas sa Araw ng mga Lolo at Lola sa Lakeshore Hall | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: