Ililipat na ang punong tanggapan ng Intellectual property Office of the Philippines o IPOPHL sa Arca South sa Taguig City kung saan mas malaki ang espasyo nito at mas maliit ang kanilang gagastusin.
Bumili ang IPOPHL ng dalawang palapag na may laking 5,999 square meters sa Savya Financial Center ng Arthaland Development Corporation.
Sinabi ng IPOPHL na mas makakatipid sila ng limang bilyong piso mula sa pagrerenta ng opisina sa Mckinley Hill Town Center sa Taguig City.
"With a permanent home, we see greater financial sustainability and greater fiscal space to work on our programs and create a greater impact for our innovative and creative communities," ayon kay IPOPHL Director General Rowel Barba.
Ang pinal na presyo sa kanilang bagong opisina ay P1.6 billion. Makatitipid sila ng halos P5 bilyon.
"These savings may very well be diverted to service upgrades and expansion, helping improve our online services, pursuing our Digital Transformation program, and helping more businesses, innovators and creators in the country protect their IP assets," dagdag ni Barba.
Ang IPOPHL ay hindi binibigyan ng budget ng pamahalaan, kung hindi umaasa lamang sa mga nagpa-file sa kanila ng IPO.
(Photo by IPOPHL)
Tanggapan ng IPOPHL, sa Arca South Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: