Ilang bahagi ng Barangay Tanyag sa Taguig City ang mawawalan ng kuryente sa pagitan ng gabi ng Nobyembre 7, 2024 (Huwebes) at madaling araw ng Nobyembre 8, 2024 dahil sa isasagawang pagmamantina ng mga linya ng kuryente nito bukod sa paglalagay ng dagdag na pasilidad.

News Image #1

(Larawn ng Meralco)

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco) pansamantalang mawawalan ng kuryente simula alas 11:15 ng gabi sa Nobyembre 7 at alas 4:15 ng madaling araw sa Nobyembre 8 ang bahagi ng Tanyag Street mula sa Mañalac Ave. hanggang Purok 1-7 at sa Bagong Tanyag Integrated School.

Sinabi ng Meralco na nakatakda sa naturang petsa ang pagmamantina ng mga linya ng kuryente bukod sa maglalagay sila ng pasilidad pang-kuryente sa Tanyag Street.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa Meralco sa kanilang hotline na (02) 16211 kung may katanungan o nais na i-report kaugnay ng problema sa kuryente sa kanilang lugar.