Mahigit 50 mga batang edad 3 hanggang 5 ang lumahok sa "Tara Push Bike, Tayo!," na isang Kiddie Wellness Program na isinagawa sa labas ng Lakeshore Hall, Barangay Lower Bicutan noong Setyembre 14, 2024.

News Image #1


Ang programa ay upang mahikayat ang mg batang maglaro at kumilos upang mamantina ang tamang timbang. Ito ay bahagi ng 2024 Overweight and Obesity Management and Prevention Program for Children ng Taguig City.

Nakatanggap ang mga batang kalahok ng push bike kits, kasama na ang kiddie bikes, helmet, knee pads at token bag na may mga prutas, tumbler, tuwalya, probiotic drink, oatmeal at iba pang mahahalagang kagamitan.

News Image #2


Nagsagawa rin ng demonstrasyon sa pamamaraan ng pagsakay sa mga push bikes upang matiyak na tama at ligtas ang bata sa pagsakay at paglalaro nito.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetno na natutuwa siya sa aktibong partisipasyon ng mga kawani ng pamahalaan, magulang at kabataan sa aktibidad na ito.

"Ito po ay initiative na magbibigay ng attention sa problema po ng pagiging overweight ng mga bata. Dahil po naniniwala po tayo na sa murang edad pa lamang ay natututukan na natin ang kanilang overall health," ayon kay Cayetano.

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
--