Inanunsyo ng Southern Police District (SPD) mula sa kanilang tanggapan sa Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City na tatlo katao ang kanilang naaresto sa Muntinlupa City na may kinalaman sa ₱10 milyong pisong halaga ng "sanla-tira" modus noong Setyembre 10, 2024.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Inaresto ng SPD Special Operations Unit (DSOU) ang tatlo na kinilalang sina alyas Alec, 28 anyos, alyas Christina, 48 anyos at alyas Daniel, 36 anyos na isang napatalsik na miyembro ng pulisya sa isang restaurant sa Poblacion, Muntinlupa City bandang alas 3:00 ng hapon noong Martes.

News Image #2

(Larawan ng SPD)

Nagreklamo ang ilang nakumbinsi na isangla sa kanila ang isang lupa at bahay na nasa Sucat, Muntinlupa City. Pinangakuan ng mga ito ang kanilang pinagsanglaan ng malaking kita sa pamamagitan ng notarized contracts upang magmistulang legal ang transaksyon.


News Image #3

News Image #4

(Larawan ng SPD)

Nakumpiska ng mga otoridad ang kanilang ginamit na tunay na ₱1,000 bill sa ibabaw ng boddle money na ginamit nilang pambayad sa mga suspek, tatlong orihinal na kontrata para sa bentahan ng lupa, dalawang acknowledgment receipts na may halagang ₱500,000, mga IDs, mobile phones at isang gray Mitsubishi Expander na nakarehistro kay alyas Christina,

Nakuha rin ang isang Glock Pistol .9mm na may serial number AFPC307 at nasa pag-iingat ni alyas Daniel.

Ang isa sa mga suspek na si alyas Alec ay dati nang nakulong dahil sa Batas Pambansa 22 o Bouncing Check Law sa hatol ng Valenzuela Municipal Trial Court Branch 101 at inatasang magbayad ng multang ₱400,000.00 at ₱1,000,000 as civil liability.

Nagtungo sa tanggapan ng SPD-DSOU sa Taguig City ang mga biktima ng mga suspek at maghaharap ang mga ito ng dagdag na reklamong large-scale syndicated estafa laban sa mga suspek.