Isang tauhan ng Barangay New Lower Bicutan ang naaresto ng Station Drug Enforcement Unit of Taguig City Police Station makaraang makumpiskahan ng mahigit sa P2 milyong hinihinalang shabu sa isang buy bust operation na isinagawa sa lugar kahapon, Setyembre 19, 2024.
(Larawan ng Taguig City Police Station)
Sa isang ulat na inilabas ni Police Colonel Christopher Olazo, Chief of Police ng Taguig City, kinilala ang naaresto na si alyas Roger, 56 na taong gulang at miyembro ng Barangay Security Force ng Barangay New Lower Bicutan.
Nakumpiska rito ang may 330 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P 2, 244,000.00 ang halaga.
Nabawi rin ng mga pulis ang ginamit na buy-bust money na kinabibilangan ng isang tunay na P1, 000 bill na ipinatong sa 39 na piraso ng P1, 000 boodle money, bukod sa nakuha rito ang isang itim na timbangan.
Iniimbestigahan pa kung may kinalaman ang suspek sa iba pang mga kasong may kinalaman sa droga at makilala ang mga kasangkot nito sa ilegal na operasyon ng droga.
"Taguig PNP through the leadership of the Chief of Police, is continuosly conducting its intensified anti-illegal drugs awareness and prevention. When it comes to the campaign against illegal drugs of the PNP, this is also in line with the intention of the BIDA (Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan) program, Taguig City Police Station aims to bring sustainable development in the community so that the people would have not to resort to illegal drugs activities that contributes as the main course of committing other crimes though the active support of the Hon. Mayor Ma. Laarni "Lani" Cayetano for a Transformative, Lively and Caring City of Taguig," ang pahayag ng Taguig City Police sa post nito sa Facebook.
Tauhan ng Barangay New Lower Bicutan, Nahuli sa Mahigit sa P 2 Milyong Droga | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: