Isang ranking leader ng teroristang grupo at wanted na kriminal sa India ang nalaglag sa kamay ng Bureau of immigration (BI) sa pinagtataguan nito sa Bacolod City, Negros Occidental kamakailan.

Nakakulong ngayon sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang 41 taong gulang na Indian-Nepalese na si Joginder Geong na hinatulan na sa India ng habambuhay na pagkakulong dahil sa ilegal nap ag-iingat ng mga armas bukod pa sa pinaghihinalaang lider ng isang organisadong sindikatong kriminal at mga kasong pagpatay, pangingikil at pagnanakaw.

News Image #1

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)

Nahuli ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit si Geong sa tinitirhan nito sa Barangay Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.

Nakakapagtago si Geong dahil sa paggamit nito ng iba't ibang pangalantulad ng Joginder Geyong at Kanta Gupta.

Hiniling ng pamahalaan ng India sa BI na hanapin si Geong na napag-alaman ng mga itong nagtatago sa Pilipinas, dahil sa pagkakasangkot nito sa iba't ibang kriminal na gawain at terorismo sa India.

"He will be deported for being an undesirable, undocumented, and illegally staying alien whose presence here amounts to a blatant violation of our immigration laws," ang pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.