Nagpulong ang mga pangunahing opisyal ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang pag-aralang muli ang kanilang mga programa at istratehiya para mas mapalakas pa ang technical vocational education and training (TVET) sa bansa.
Pinangunahan ni TESDA Director General, Secretary Suharto Mangudadatu ang National Directorate Conference sa Tandang Sora Hall ng TESDA Women's Center sa Taguig City.
Sa temang "Sa TESDA Lingap Ay Maaasahan," layunin nitong matakalay at mapag-aralan ang mga natapos at nakamit ng TESDA mula Enero hanggang Mayo ng taong ito upang malaman kung mayroon pang mga pagkukulang na dapat matugunan.
"These conferences are indispensable for strengthening unity among our ranks. It is also through these conferences that we gain a shared consciousness of what is happening within the organization as well as of the external factors that help us in making the important decisions for Philippine TVET," ayon kay Secretary Mangudadatu.
Samantala, nagpahayag naman ng kasiyahan si Mangudadatu sa pagkamit ng TESDA ng pinakamataas na approval at trust rating sa mga ahensiya ng pamahalaan para sa ikatlong sunod na quarter, batay sa survey ng PUBLiCUS Asia Pahayag Survey.
"Ito ay napakagandang balita na nagbibigay sa akin ng mas malalim na inspirasyon na magsilbi sa ating mga kababayan. Maraming salamat and congratulations to all of you. Sana ma-maintain natin, kahit hindi natin masurpass, ma-maintan lang po sana natin during my time as your Director General," ayon sa TESDA chief.
Pinaalalahanan ng kalihim ang mga nasa TESDA na magpatuloy na nagsisilbi na hindi bumibitaw.
"Serve with a heart. Always remember, that is our target. We serve with a HEART: high quality, efficient and effective, accessible, and relevant technical vocational education and training for Filipinos," ayon kay Mangudadatu.
(Photo from TESDA)
TESDA Chief: "Serve with HEART" | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: