Isang TESDA-Honda Room ang inilagay sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Regional Training Center - NCR sa Taguig City upang turuan ang mga nagnanais na magkaroon ng kaalaman sa motorsiklo at pagkukumpuni nito.
Inilunsad ng Honda Foundation, Incorporated (HFI) at ng TESDA-NCR ang Honda Room sa TESDA Center na nasa East Service Road, South Superhighway sa Taguig City.
(Larawan mula sa Honda Philippines)
Ang TESDA-Honda Room ay isang Honda motorcycle at automotive learning laboratory na magbibigay-kaalaman sa teknolohiya ng motorsiklo at sasakyan ng Honda upang ang kanilang matutunan dito ay magagamit sa pagpasok sa trabaho o pagkakaroon ng sariling negosyo.
"This initiative aims to uplift the lives of the Filipino workforce and improve the financial status of impoverished youth and their families. In the future, Honda aims to utilize this facility as a TESDA Training and Assessment Center venue, streamlining the process of certifying learners in motorcycle and automotive courses," ang pahayag ng HFI.
May 25 estudyanteng tatanggapin sa bawat training batch na bibigyan ng kaalaman sa motorcycle at automotive mechanical courses
Nag-donate dito ang Honda ng anim na motorsiklo at dalawang sasakyan kasama ang lifters, special tools at mga gamit sa pag-aaral.
Ang HFI ang sangay ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng mga kumpanya ng Honda sa Pilipinas.
TESDA-Honda Room, Tatanggap ng mga Estudyante sa Pagkumpuni ng Motorsiklo at Sasakyan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: