Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Tesla na sa Pilipinas na gumawa ng kanilang electric vehicles (EVs).
"It is our fervent hope that Tesla might one day choose to manufacture its vehicles in the Philippines," ayon sa Pangulo kasabay ng pagpapahalaga sa pagpasok ng Tesla sa bansa na hihikayat sa lokal na inobasyon at magtutulak sa mga bagong puhunan sa sektor ng EV.
(Larawan ng Presidential Communications Office)
Sa talumpati ni Marcos sa paglulunsad ng Tesla Center Philippines sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City, sinabi nitong ipinatutupad na ang mga polisiya at istratehiya para sa isang mahusay na transportasyon na tutugon sa pangangailangan ng mga motorista at mananakay na Pilipino.
(Larawan ng PCO)
Kabilang sa mga polisiyang ito ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Act na nagtanggal ng excise tax sa battery ng electric vehicles; at ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA) na nagbibigay ng duty-free importation para sa charging stations, pagpapababa ng user fees sa EV owners at pagiging prayoridad ng mga ito sa rehistrasyon at hindi rin ito sakop ng number coding.
Ang paggamit ng EV ay pinaniniwalaan ng Pamahalaang Marcos na makakatulong sa pagbabawas ng carbon emissions.
Bukod sa nakakatulong sa kapaligiran, ang Tesla rin aniya ay makakatulong na magbigay ng trabaho sa mga Pilipino.
"With plans to expand further, Tesla is building a generation of Filipinos equipped to lead in the global shift towards sustainable technologies such as this," ayon pa sa Pangulo.
Opisyal na pumasok sa Pilipinas ang Tesla noong Nobyembre 8, 2024.
Tesla, Hinikayat ni Pangulong Marcos na Dito na sa Pilipinas Gumawa ng Electric Vehicles | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: