Naghahanap ng mga manggagawa ang Tesla para sa kanilang sangay sa Pilipinas,

Ang kanilang unang Recruitment Day sa bansa ay isasagawa sa Setyembre 13 hanggang 14, 2024 sa Garcia Villa Room, The Peninsula Manila, Makati Avenue, Makati City mula ala 1:00 hanggang alas 5:00 ng hapon.

News Image #1

(Art card mula sa Tesla sa LinkedIn)

Kabilang sa mga bukas na posisyon ay ang mga sumusunod:

Setyembre 13, 2024 Biyernes:
-Tesla Advisor (Sales Advisor)
- Customer Support Specialist

Setyembre 14, 2024 Sabado
- Delivery Advisor
- Delivery Operations Specialist
- Service Advisor
- Vehicle Technician
- Service Manager
- Parts Advisor

Kailangan lamang na i-scan ang QR code, pumili ng ninanais na pasukang posisyon, i-book at kumpirmahin ang oras ng interview at dalhin ang curriculum vitae na naka-print sa araw ng iskedyul. Kailangang dumating sa Garcia Villa Room ng 10 minuto bago ang nakatakdang oras ng interview upang makapagparehistro.

Una rito ay lumabas sa mga job hiring sites sa Pilipinas, katulad ng LinkedIn, noong isang linggo na naghahanap ng mga manggagawa ang Tesla kung saan nakasaad na ang opisina nito ay nasa Taguig City.

News Image #2

(Screenshot mula sa LinkedIn site ng Tesla)

Bagaman at mayroon nang lokal na distributor ng Tesla Model Y sa Pilipinas, ang EV Solutions na may opisina sa Mandaluyong City, wala pang opisyal na sangay sa bansa ang Tesla.

News Image #3

(Larawan ng Tesla Model Y mula sa website ng Tesla)

Ang anunsyo kaugnay ng paghahanap ng mga manggagawa ng Tesla sa Taguig City ay nagbibigay ng pahiwatig na posibleng sa Pilipinas bubuksan ang sangay nitong magbibigay-daan sa pagpasok ng electric car manufacturer sa merkado sa Timog-Silangang Asya.

Nakalista sa job market ang labinlimang trabahong naghihintay sa mga matagumpay na aplikante kabilang ang:
• Leads Generations Program Manager
• Admin & HR Business Partner
• Order Operations Specialist
• Project Developer - Home Charging
• Delivery Operations Specialist
• Customer Support Specialist
• Store Manager
• Tesla Advisor/Sales Advisor
• Service Manager
• Inside Sales Advisor
• Vehicle Technician
• Service Advisor
• Delivery Manager
• Order Operations Specialist
• Parts Advisor