"This is goodbye for now but not forever. We'll be back. Better than you remember, and better than you can imagine. Until we close up on Jan 1, feel free to hang out at The Strip like you've always done! We'll see you there."
(Larawan ng Bonifacio Global City)
Ito ang post sa social media page ng BGC - Bonifacio Global City kaugnay ng anunsyong magsasara na ang The Fort Strip na nasa kanto ng 5th Avenue at 26th Street, na may ilang dekada ring naging sentro ng nightlife, kainan at aliwan sa BGC, Taguig City.
Walang opisyal na statement ang BGC kung ano ang gagawin sa kinatitirikan ngayon ng The Fort Strip o kung magtatayo ng panibagong lugar na katulad nito sa loob din ng BGC.
Ilang mga netizens ang naghihinalang magkakaroon ng redevelopment sa lugar katulad ng mangyayari sa kinatatayuan ng Market!Market! na magsasara na rin.
Wala pa ang nagtataasang mga gusali sa BGC ay nandoon na ang The Fort Strip kung saan nagsimula ang mga sumikat na restaurants at bars tulad ng Pier One, Prince of Jaipur, Embassy, Cold Rock, Big Boy Mondo, Puccini at Amber Ultra Lounge.
Sa isang artikulo ng blogger na si Anglaagan, naalala pa niya ang mga unang panahon ng The Fort kung saan ito ay isa lamang maliit na lugar na gimikan na nakatayo sa isang lugar na ang paligid ay mga damuhan lamang.
"One of our old favorites back then on this strip is a restaurant called Zong. They have a sort of "Chinese fusion" theme and menu, and they were a big thing when they first opened. I still remember back then when me and a group of workmates would drive all the way from Ayala Ave. to the middle of the The Fort, during lunch, just to eat at Zong."
Sinabi naman ni Nick Hernandez na ang mga unang panahon ng The Fort Strip ay ang "golden age of clubbing."
Ayon naman kay Toshi Koshimizu, "before BGC became BGC, The Fort was already there, when there was nothing but grass and empty plots of land. The Fort was a silent witness to how BGC became what it is today - a cosmopolitan business district with gleaming skyscrapers and glitzy shopping malls."
Nauna nang nagsara ang Nectar Nightclub, isang LGBTQ+ na sentro ng aliwan kung saan mayroon mga drag performances.
The Fort Strip sa BGC, Magsasara na Simula sa Enero 1, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: