Sarado ngayong araw ng Pasko ang Christmas by the Lake ng Taguig o ang TLC Village na nasa C6 Road Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Ito ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga nagta-trabaho sa parke na makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Babalik muli ang operasyon nito sa Disyembre 26 hanggang 30 subalit isasara muli sa Disyembre 31, 2024 hanggang sa Enero 1, 2025 para naman sa pagdiriwang ng Bagong Taon ng mga nagta-trabaho rito.
Bubuksang muli ang parke sa Enero 2 hanggang sa huling araw nito sa Enero 12, 2025.
Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang pagkakataong mabisita ang pinakamalaking parke ng nangniningning na ilaw ng Kapaskuhan sa may C6.
Nong Disyembre 21, 2024 ay nagtungo roon si Miss Universe-Asia Chelsea Manalo upang bigyan ng parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at para mabisita rin nito ang The Lights of Christmas sa TLC Village.
Sinabi ni Manalo na ngayon lamang siya nakakita ng napakalaking parke na may nangniningning na mga ilaw at nagpapakita ng tradisyon at kulturang Pilipino.
(Mga larawan ng Taguig PIO)
The Lights of Christmas Park sa TLC Village C6 Taguig, Sarado Ngayong Pasko at sa Disyembre 31, 2024 at Enero 1, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: