Muling nagbubukas ang pinakamalaking parke ng mga nagniningning na ilaw at Christmas decorations, kasama na ang mga konsiyerto at food stalls sa The Lights of Christmas (TLC) Park sa Lakeshore Complex, C6 Road, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
(File photo mula sa Taguig PIO)
Simula Disyembre 1, 2024 hanggang Enero 12, 2025 ay mabibisita ang TLC Park kung saan naroon ang makasaysayang "Christmas on Display" na magpapakita ng mga tradisyon sa Pasko sa Probinsyudad ng Taguig.
Mayroon ding mga konsiyerto, TLC Food Park, Mural Park, Walkway of Lights, Christmas on Display at Mercado Del Lago Floating Village and Food Park.
Libre ang pagpasok sa TLC Park na bukas mula Lunes hanggang Huwebes, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi, Biyernes at Sabado na bukas naman ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi at sa Linggo ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.
(File photo mula sa Taguig PIO)
Kailangan na magpa-book online sa pamamagitan ng pagbisita sa link na ito: https://tlcpark.taguig.info at i-click ang "Book Now." Pipiliin doon ang ninanais na araw at oras ng pagbisita, ang bilang ng kasama at iba pang mga detalye. Mkakatanggap ng mensahe sa text kung saan naroon ang link sa isang QR code para makumpirma ang booking.
Maaari rin namang itawag sa telepono kung grupo ang ibu-book sa TLC Park. Maaaring tumawag s mga sumusunod na telepono araw-araw, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng gabi: 0919-330-4146 or 0961-704-6623.
Kung didiretso sa TLC Park, kailangan lamang na tiisin kapag mahaba ang linya ng mga walk-in.
(Photo mula sa Taguig PIO)
Mayroong special lanes para sa mga senior citizens, persons with disabilities, at mga buntis. Ang mga batang mababa sa edad na 12 ay kailangang may kasamang matanda.
Mayroong mapaghihimpilan ng sasakyan sa tabi ng concert gounds, na nasa tabi naman ng lumang TLC Park sa tapat ng C6 road, at gayundin sa Banai Parking malapit sa Lakeshore Hall at Urban Farm.
Bawal magdala ng pagkain o inumin sa TLC Park at sa lugar ng Christmas on Display. Bawal ang nakainom ng alak o magdala ng alak. Bawal ang manigarilyo at mag-vape. Bawal din ang magpalipad ng drones.
Maaari namang magdala ng pets basta't may up-to-date na bakuna laban sa rabies. Kailangang dala ng mga pet owner ang vaccination card ng alaga o larawan nito. Kailangang nakatali at naka-diaper ang mga pets kapag ipinasok sa parke.
Ang mga bisitang may pets ay maaari lamang pumasok sa Gates 1, 6 at 8 at may pipirmahang waiver bago pumasok.
The Lights of Christmas (TLC) Park sa Lakeshore Complex, Bukas na Muli Simula Disyembre 1, 2024 Hanggang Enero 12, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: