Nasa ikalawang araw na ang tigil-pasada ng mga jeepney operators at drivers na kasapi ng mga transport groups na PISTON at MANIBELA

News Image #1

(Larawan ni Vera Victoria)

Kahapon, Setyembre 23, 2024, nagkaroon ng problema sa pagsakay sa mga pampasaherong jeep ang ilang mga mananakay sa Pasig, Manila, Las Piñas at Quezon City.

Gayunman, sa Taguig City ay naging normal ang takbo ng mga pampublikong sasakyan.

News Image #2

(Larawan ni Dexter Terante)

Tiniyak naman ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na naka-stand by ang kanilang mga libreng sakay kung sakaling kakailanganin ng mga mamamayan.

News Image #3

(Larawan mula sa Taguig PIO)

Ang tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA ay bilang protesta sa Public Transport Modernization Program (PTMP).

Sinabi naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na plano nilang buksan muli ang consolidation process para sa mga drivers at operators na hindi nakaabot sa deadline noong Abril a treinta. Ayon pa s LTFRB, may 80% na ng mga drivers at operators ang nakasali sa jeepney modernization program.