Simula ngayong araw na ito, Nobyembre 6, 2024, ay magbabahay-bahay ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig upang mamigay ng tiket para sa Pamaskong Handog 2024.

News Image #1

(Larawan ng Taguig City Government)

Ang mga pamilyang Taguigeño sa bawat barangay ay makakatanggap ng Noche Buena package ngayong Kapaskuhan na kinabibilangan ng 3 lata ng meat loaf, 2 malaking lata ng corned beef, 1 hotcake mix, 1 kahon ng keso, 1 gatas na kondensada, 1 lata ng fruit cocktail, 1 pakete ng biskwit, 1 kilo ng spaghetti pasta at sauce, 10 kilo ng bigas at ang maaaring gamitin muli na sako at malaking plastik na lalagyan.

Ang bigayan ng Pamaskong Handog ng Taguig ay magsisimula na sa Nobyembre 29 at kailangang ipakita ang tiket para makuha ang kanilang Noche Buena package.

Itatakda ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang araw ng bigayan sa bawat barangay. Abangan ang schedule sa opisyal na Facebook Page ng Taguig City na I Love Taguig.

Ang mga senior citizens, Persons with Disabilities (PWD) at mga buntis ay hindi na kailangang pumila sa itatakdang araw ng bigayan ng Pamaskong Handog dahil ihahatid na lamang ito sa kanilang tahanan simula sa Nobyembre 15.