Narito ang mga kinakailangan para sa pagpaparehistro bilang bagong botante, ayon sa Commission on Elections - Taguig.

News Image #1


I-photocopy ang anumang Valid Government-issued ID o School ID na nasa listahang ito:

○ National ID
○ Phil.Health
○ PAG-IBIG ID
○ NBI Clearance
○ TIN ID
○ Drivers License
○ SSS UMID
○ GSIS UMID
○ Present School ID na may address ng estudyante
○ Passport
○ Postal ID
○ PWD ID
○ Senior Citizen ID
○ Latest Barangay ID
○ PRC ID na may dagdag na attachment kung saan nakalagay ang address ng aplikante

News Image #2


Para sa mga bagong magrerehistro, lilipat mula sa ibang lugar o lilipat ng barangay at magpapa-reactivate ng kanilang karapatang maging botante, narito ang mga kinakailangan, ayon sa Comelec-Taguig:

1. Isang VALID ID na may present address ng magpaparehistro

2. Kung wala ang #1, kumuha ng brgy. clearance or Barangay ID at isang Valid ID (kahit saan naka-address basta valid)

3. Kung wala ang #1 at #2, maaribg magpasa ng brgy. clearance or brgy. ID at Meralco or water bill kasama ng authorization letter at photocopy ng ID ng nakapangalan sa bill.


For Correction of Entries

* Change of Name and Birthday - photocopy ng Birth Certificate at VALID ID na may kasalukuyang address ng magpaparehistro

* Change of Status - photocopy ng marriage contract (mula single to married) o photocopy of CENOMAR (certificate of no marriage) at VALID ID na may kasalukuyang address ng magpaparehistro.

News Image #3

News Image #4


(Art Cards mula sa Comelec-Taguig)