May dagdag-bayad sa mga dadaan sa Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) simula Marso 19, 2024.
Tingnan sa ibaba ang adjusted rates
(Larawan mula sa MCX)
Inaprubahan ng Toll Regulatory Board ang kahilingan ng MCX Tollways, Incorporated at ng MCX Project Company, Incorporated na pag-aari ng mga Villar, na itaas ang bayad ng mga sasakyang dadaan sa MCX.
Para sa mga Class 1 o kotse, jeepney, ban, pickup at motorsiklong 400 cc pataas, o mga behikulong may 2 axle at ang kabuuang taas ay 7.5 talampakan, magiging P19.00 na mula sa dating P18. 00.
Ang mga Class 2 naman na kinabibilangan ng mga bus, trak, o mga sasakyang may 2 axles at ang taas ay higit pa sa 7.5 na talampakan, magbabayad na ng P39.00 mula sa dating P37.00.
Ang mga Class 3 naman, o malalaking trak, trak na may trailer o trak na may 3 o higit pang axles at ang taas ay higit sa 7.5 talampakan, ang babayaran na ay P58.00 mula sa dating P55.00.
Ang MCX ay isang apat na kilometrong daan na may apat na lanes at tumatakbo mula sa New Bilibid Prison reservation at nagkokonekta sa pagitan ng Bacoor, Cavite at South Luzon Expressway (SLEX).
{larawan mula sa MCX)
Toll Fees sa MCX, Itinaas Simula Marso 19, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: