Trabaho para sa mga persons with disabiltiies (PWD) sa Taguig City ang binuksan sa isinagawang job fair at career expo sa Taguig Lakeshore Hall sa Barangay Lower Bicutan, Taguig City noong Disyembre 17, 2024.
Sa pangunguna ng Taguig Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) at Public Employment Service Office (PESO), binigyan ng pagkakataon ang 147 PWDs na naghahanap ng trabaho na makaharap ang 12 employers mula sa iba't ibang industriya.
"Ang bawat isa sa inyo ay may natatanging kakayahan at talento na maaaring mag-ambag sa ating lipunan. Makilahok kayo sa mga workshop at matuto ng mga bagong kasanayan na makakatulong sa inyong paghahanap ng trabaho. Nais din naming iparating na hindi kayo nag-iisa sa inyong paglalakbay. Narito kami upang suportahan kayo at tulungang makamit ang inyong mga pangarap at ambisyon," ayon kay PDAO Head Helario Supaz.
Isa sa mga nabigyan ng pagkakataon ay si Elaine Javar, 27 taong gulang na taga Barangay South Signal at may problema sa pandinig.
"I am really grateful and happy to attend this job fair for us persons with disabilities. I had a hard time looking for a job for 2 years. Ngayon, pwede na akong makapasok sa mga pangarap kong trabaho kagaya ng pagiging service crew, customer service representative, at barista," ayon kay Javar.
Ang kaganapan ay kasabay ng paggunita sa International Day of Persons with Disabilities na may temang "Amplifying the Leadership of Persons with Disabilities for an Inclusive and Sustainable Future."
(Mga larawan mula sa Taguig PIO)
Trabaho Para sa PWDs ng Taguig, Binuksan sa Job Fair sa Taguig Lakeshore Hall | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: