(Video ni KaTalk Ka Lang)
Tatlong iba pa, na kamag-anak ng mga nasaqi, ang nasugatan sa sunog sa Building 17 ng MRB Condominium na nasa C5 Road, Barangay Ususan alas 4:57 ng hapon.
Dinala ang mga biktima sa Taguig Pateros District Hospital upang malapatan ng lunas.
Ayon sa Taguig Bureau of Fire Protection, tatlong residential units ang natupok ng apoy na nakontrol ng alas 5:07 ng hapon, at naapula ganap na alas 5:27 ng hapon.
Ayon sa post ni Romerei Macarse, malapit lamang sa kanyang tinitirhang gusali ang naganap na sunog.
"It was scary. The black smoke almost engulfed the vicinity including ours. Fortunately, it was immediately controlled but not without casualties. The two found dead bodies were that of siblings embracing each other. It breaks my heart that such a tragedy happened on New Year's Eve," ayon kay Macarse.
Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan kung ano ang pinagmulan ng sunog.