Naipit ang driver ng isang Isuzu truck at tinamaan ang balakang nito makaraang sumalpok sa isa pang C5 Road Mckinley Hills, Taguig City noong umaga ng Oktubre 24, 2023. (I-click ang video sa ibaba).



Ayon sa salaysay ng nasaktan na si John Clyde Regalado, 34 na taong gulang at driver ng Isuzu Wingvan na may plate number na RGJ 761, nawalan ng preno ang kanyang minamanehong sasakyan kung kaya't bumangga sa isang trak na Super Grent na minamaneho naman ni Edgar Rempenas.

News Image #1


Nagresponde naman kaagad ang Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) Team 1 Dalupang Fire/ SAR Team at agad na iniligtas si Regalado mula sa pagkakaipit sa kanyang sasakyan.

News Image #2


Sinabi naman ni Threvor Nazario, isa sa nagligtas sa biktima, na ikinwento sa kanya ni Regalado na huminto ang trak na nasa harapan niya sa may stoplight sa McKinley at lumusot ang kanyang preno dahilan upang sumalpok siya sa likuran nito.

Nadala agad sa pagamutan si Regalado upang malapatan ng lunas.

(Video by Onadzyow Nadlor)
(Photos by Threvor Nazario)