Nagkakaproblema ngayong Biyernes sa paglilipat ng pera ang GCash tungo sa ibang bangko sa pamamagitan ng Bancnet.
(larawan mula sa GCash)
Ilang mga kliyente ng e-wallet service ang nagreklamong hindi lumalabas sa kanilang transaksyon ang mga ginawa nilang paglilipat ng pera ngayong Nobyembre 22, 2024.
"Bank Transfer to GCash will be right back! BancNet is working to restore the service as soon as possible," ang nakalagay sa post ng GCash sa kanilang Facebook account.
Tiniyak ng GCash na maibabalik sa kanilang mga kliyente sa loob ng isa o dalawang araw ang anumang nabawas sa kanilang account dahil sa naturang problema sa Bancnet.
"If your bank account was debited, kindly expect your money to be credited to your GCash wallet within 24 to 48 hours," ang paniniyak ng GCash.
Una nang nagpalabas ng advisory ang BPI, BDO at Landbank kaugnay ng problema sa pagpapadala ng pera patungo naman sa GCash.
Bilang paniniyak, tinanggal muna ng BPI ang GCash sa listahan ng mga bangkong maaaring mapaglipatan ng pera sa pamamagitan ng Instapay sa BPI app at BPI online.
Ganoon din ang ginawa ng BDO at Landbank sa kanilang Send Money to GCash feature.
Noong isang linggo lamang, nagkaroon din ng problema ang GCash nang ilang kliyente nito ang nabawasan o nawalan ng pera sa pamamagitan ng hindi otorisadong transaksyon na ayon sa G-Xchange Incorporated, ang nag-o-operate sa GCash, ay bunga ng system error.
Transaksyon ng GCash sa Pamamagitan ng Bancnet, May Problema Ngayong Biyernes | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: