Hinikayat ng bagong talagang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pulis sa Metro Manila na mas maging agresibo pagdating sa pagtugon sa pangangailan ng mga mamamayan at magpakita na sila ay nasa paligid lang at handang umaksyon.

News Image #1

(Larawan mula sa NCRPO)

Pormal na nanungkulan si Police Brigadier General Anthony A. Aberin bilang bagong acting regional police director ng NCRPO makaraang ilipat si Police Major General Sidney Hernia bilang hepe ng Area Police Command ng Southern Luzon.

"We must be seen and felt by the public. Our attentiveness to the needs of our community will make them feel that they are our utmost priority, which further promotes trust and confidence, and readiness to respond to any eventuality that may arise," ang pahayag ni Aberin kasabay ng pormal na pagtatalaga sa kanya sa posisyon sa seremonya sa NCRPO Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon, Nobyembre beinte singko.

Bago naitalaga sa NCRPO, si Aberin ay direktor ng Police Regional Office 7.

"Everyone must be an able, active, and allied police officer," ang dagdag pa ni Aberin na aniya ay dapat Triple A ang mga pulis.