Namahagi ng pinansiyal na tulong at medical assistance si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa pamamagitan ng kanyang programang pag-ahon sa kahirapan na tinatawag na Lifeline Assistance for Neighbors In-need Care and Support or LANI CARES noong Setyembre 15 sa Taguig City Hall at noong Setyembre 27 sa Taguig City Employees Park.

News Image #1



Ang inisyatibang ito ng pamahalaang lungsod ng Taguig ay upang madagdagan pa ang itinutulong ng Department of Social Welfare and Developmen (DSWD) na Assistance to Individuals in Crisis Situation ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD).

News Image #2


Pinili ang mga mahirap, hindi napapansin at bulnerableng sektor ng lungsod ng Taguig para matulungan sa kanilang pangangailangan.

Bukod sa tulong pinansiyal, ibinabahagi rin ng LANI Caree ang mga family food packs, hygiene kits, sleeping kits, kitchenware at iba pang pangangailangan lalo na sa panahong naapektuhan ang mga mamamayan ng Taguig ng kalamidad o sakuna.

News Image #3


Ang mga kababaihan namang nasa delikado o mahirap na sitwasyon ay tinutulungan din sa ilalim ng LANI Cares. Kabilang dito ang mga biktima ng pang-aabusong sekswal o pisikal, illegal recruitment, human trafficking at iba pang katulad na sitwasyon.

Binibigyan sila ng tulong pinansiyal, pagkain, damit, matutuluyan, tulong-medikal, pre-employment assistance at psychological assessment at counselling.

(Photos by Mayor Lani Cayetano FB Page)