Bumangga sa isang road sign ang isang 24 na taong gulang na lalaking may dala palang mahigit sa kalahating milyong pisong marijuana, dahilan upang mahuli ito ng mga tauhan ng Taguig City Police Substation 11 makaraang tumakas sa isang checkpoint.

News Image #1

(Larawan mula sa Taguig City Police)

Mahigit tatlo at kalahating (3.52) kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P563,600, bukod sa mga paraphernalia, ang nakumpiska kay alyas Carlito sa Barangay Cembo, Taguig City noong Agosto 7, 2024 ng alas 3:00 ng madaling araw.

Nakasakay sa kanyang motorsiko si Carlito nang parahin ito ng Taguig City Police sa kahabaan ng J.P. Rizal Extension sa Barangay Cembo para sa isang regular na inspeksyon.

Tinangka ni Carlito na tumakas sa mga pulis subalit bumagsak sa kalsada nang tamaan ng motorsiklo nito ang isang road signage.

Doon nadiskubre ng mga pulis na mayroon itong dalang mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng marijuana.

Sa kabuuan, ang mga nakumpiska ng otoridad sa suspek na sinasabing courier ng marijuana ay dalawang mahabang bagay na nakabalot sa cling wrap at brown na packaging tape na naglalaman ng hinihinalang marijuana, isang plastic sachet ng pinatuyong dahon at fruiting tops ng hinihinalang marijuana, isang malaking vacuum-sealed transparent plastic sachet na may pinatuyong dahon at fruiting tops ng hinihinalang marijuana, isang machine-sealed pack sachet na may lamang vape cartridge na ang laman ay hinihinalang cannabis oil, sampung disposable vape cartridges na mayroon ding cannabis oil, isang zip lock sachet na may lamang 15 candy Jellybeans na hinihinalang ang laman din ay marijuana.

Nakumpiska rin ang motorsiklo ni Carlito.

Kakasuhan si Carlito ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 bukod sa paglabag sa Article 151 (Resistance or Disobedience to a Person in Authority or the agents of such person), Section 5 (Transportation of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals)