Naibalik na sa bansa ang tumakas na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo kaninang madaling araw ng Setyembre 6, 2024.
(Screenshot from Facebook Page Benhur Abalos)
Makaraang maaresto sa isang hotel sa Jakarta, Indonesia si Alice Guo, sinundo ito nina Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police Chief General Rommel Marbil. Iniuwi nila si Guo sakay ng isang chartered flight.
Idiniretso si Guo sa Camp Crame sa Quezon City at saka ite-turn over sa Sgt. at Arms ng Senado.
Si Guo ay may arrest warrant mula sa Senado at gayundin sa isang korte sa Capas, Tarlac dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinasabing lumabas ng bansa si Guo patungong Malaysia noong Hulyo 17, 2024. Naaresto naman ito sa Indonesia noong Setyembre 4, 2024.
Tumakas na Dating Alkalde ng Bamban. Tarlac Alice Guo, Naibalik na sa Pilipinas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: