Bilang paghahanda sa bantang transport strike ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ngayong Nobyembre 20, nagdesisyon ang Technological University of the Philippines - Taguig na magsagawa na lamang ng asynchronous classes o kukumpletuhin ang kanilang aralin sa sariling oras basta't matatapos sa itinakdang panahon.

News Image #1


Ang mga nag-oopisina naman sa eskwelahan ay pinayagang mag-work from home maliban kung importanteng sa opisina gawin ang kanilang trabaho.

Kailangang mayroong skeleton workforce sa opisina batay sa desisyon ng pinuno ng departamento kung sino ang papapasukin.

News Image #2


​Umaasa ang unibersidad na makikipagtulungan ang lahat ng mga estudyante at empleyado sa isasagawang contingency measures upang matiyak na hindi maiistorbo ang pag-aaral at mga gawain sa unibersidad sa panahon ng transport strike.

(Photos by TUP-Taguig)