Nanguna sa 2024 Bar Examinations ang isang nagtapos ng abogasya sa University of the Philippines (UP) sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Si Kyle Christian Tutor ng UP College of Law ang nag-top 1 sa iskor na 85.7700%. Pumangalawa naman si Maria Christina Aniceto ng Ateneo de Manila University na nakakuha ng iskor na 85.5400%. Pangatlo si Gerald Roxas ng Angeles University Foundation School of Law na nakakuha ng iskor na 84.3550%.

News Image #1

(Larawan mula sa Supreme Court of the Philippines)

Hindi lang si Tutor ang taga-UP BGC na nasa Top 10. May tatlo pang taga-UP na nakapasok sa Top 10 at ang mga ito ay sina John Philippe E. Chua na pang-apat sa iskor na 84.2800%, Jet Ryan P. Nicolas na panglima sa iskor na 84.2650%, at si Maria Lovelyn Joyce S. Quebrar na pang-anim sa iskor na 84.0600%.

Ang pangpito hanggang pangsampu ay ang mga sumusunod:

7. Isaguirre, Kyle Andrew P. | Ateneo De Manila University (83.9050%)
8. Macadine, Joji S. | University of Mindanao (83.7450)
9. Torres, Gregorio Jose II S. | Western Mindanao State University (83.5900%)
10. Villacorta, Raya B. | San Beda University (83. 4700%)

News Image #2

(Larawan mula sa Supreme Court of the Philippines)

Ang pang-labingisa hanggang pang-dalawampu naman ay ang sumusunod:

11. Gerpacio, Paolo Antonio V. | Ateneo De Manila University (83. 4550%)
12. Ambray, Andrew Gil B. | University of Santo Tomas- Manila (83.4450%)
13. Macarilay, Marielle Janine Joy T. | Ateneo De Manila University (83.2750%)
14. Hamoy, John Daniel D. | University of San Carlos (83.1350%)
15. Garcia, Therese Bianca N. | Ateneo De Manila University (83.0900%)
16. Elumba, Recel L. | Jose Rizal Memorial State University (83.0650%)
17. Cuevas, Rieland J. | University of the Philippines (82.8700%)
18. Barraquias, Betlee-Kyle T. | Ateneo De Manila University (82.8300%)
19. Barredo, June Steve G. | University of St. La Salle (82.8050%)
20. Lijauco, Charles Kenneth F. | University of the Philippines (82.7950%)
20. Reque, Pierre Angelo II C. | University of Santo Tomas - Manila (82.7950%)

Ang mga pumasa ay nasa 37.84%, o 3,962 examinees mula sa 10, 504 na mga aplikante para sa 2024 Bar examinations na isinagawa noong Setyembre 8, 11 at 15, 2024.