Maaga ang uwian ng mga nagta-trabaho sa opisina ng pamahalaan na nasa ilalim ng Executive Branch ngayong araw na ito, Setyembre 23, 2024 bilang pagsisimula sa selebrasyon ng Family Week.
(Larawan mula sa PCO)
Ipinalabas ng Malacañang ang Memorandum Circular (MC) No. 64 noong nakaraang Miyerkules kung saan itinakda na ang mga opisina ng pamahalaan na nasa ilalim ng Executive Branch ay magtatapos ng alas 3:00 ng hapon ngayong Lunes.
"This Office also encourages all government workers in the Executive branch to fully support the programs and activities relative to the observance of Family Week, as organized by the National Committee on the Filipino Family," batay sa nakasaad sa MC.
Hinihikayat din ng Malakanyang ang suspensyon ng maaga sa opisina ng iba pang sangay ng pamahalaan, independent commissions o kinatawan, at pribadong sektor para magkaroon ng pagkakataon ang mga pamilyang Pilipino na makapagsama sama ng maaga ay maipagdiwang ang ika-32 National Family Week.
Gayunman, hindi kasama sa maagang suspensyon ng trabaho ang mga nasa paghahatid ng mga basiko at pangkalusugang serbisyo, mga humaharap sa sakuna at kalamidad at sa iba pang mahahalagang serbisyo.
Ang ika-apat na Lunes ng Setyembre ay itinakda rin bilang Araw ng "Kainang Pamilya Mahalaga."
Uwian sa mga Opisina ng Pamahalaan sa Ilalim ng Executive Branch ngayong Lunes, Setyembre 23 ay alas 3:00 ng Hapon | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: