Magsasagawa muli ng Barangay satellite registration ang Commission on Elections sa mga barangay ng Taguig City ngayong Hulyo 2024.


News Image #1


Mula Hulyo 3 hanggang 4, 2024, ang Comelec registration ay dadalhin sa Barangay Tanyag sa Bagong Tanyag Integrated School.

Mula Hulyo 5 hanggang 6, ang registration naman ng Comelec ay isasagawa sa Barangay Hagonoy sa mismong barangay hall.

Pagdating ng Hulyo 12 hanggang 13, ang rehistrasyon ng mga botante ay dadalhin sa Barangay Calzada, sa barangay hall.

Sa Hulyo 30 hanggang 31, ito ay nasa Barangay Central Bicutan at isasagawa sa Upper Bicutan Elementary School.

Sa lahat ng Lunes ng Hulyo, ang rehistrasyon ng mga botante ay isasagawa sa Comelec-Taguig Office sa Vista Mall Parking. Sa mga Martes ng Hulyo, isasagawa rin ang rehistrasyon sa Comelec-Vista Mall Parking maliban sa Hulyo 30 kung saan dadalhin ito sa Barangay Central Bicutan,

Wala namang rehistrasyon sa Hulyo 25, 26 hanggang 27, 2024.

Tingnan sa baba ang schedule:

News Image #2


Para sa mga nagnanais na magparehistro sa tanggapan ng Comelec sa Vista Mall, kailangang magpa-appointment sa pamamagitan ng link na ito:
https://appointment.taguig.info/pub/?q=comelec
Idownload din ang registration form dito:
https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/ApplicationsForms

Samantala, ang voter's certification ay makukuha pa rin sa tanggapan ng Comelec -Taguig, Vista Mall Parking Building, Ground Floor Camella-Taguig Road, Barangay Tuktukan, Taguig City ng Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

(Mga art cards mula sa Comelec-Taguig)