Wala nang binabantayang low pressure area (LPA) malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) makaraang lumabas na ang Bagyong Helen kahapon ng alas 5:00, Setyembre 18, 2024.

News Image #1


Gayunman, maulan pa rin sa ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa Habagat o southwest monsoon.


Kabilang sa uulanin ng husto ngayong Setyembre 19 ay ang Zambales at Bataan.

News Image #2


Nagbabala ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng biglang pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan sa mga lugar na ito.

Magkakaroon naman ng panaka-nakang pag-ulan ang Pangasinan, Tarlac, Pampanga, Occidental Mindoro, at Northern Palawan

Sa kabila ng panaka-naka lang ay maaaring maging dahilan din ito ng pagbabaha at landslide dahil malakas din ang ulan.

Ang Metro Manila, Abra, Benguet, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite, Batangas, Rizal, Oriental Mindoro, Romblon, Antique, Iloilo, at ang ilan pang bahagi ng Palawan at Ilocos Region ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat. Pinag-iingat din ang lahat sa baha at pagguho ng lupa.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, gayundin ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang pag-uulap ng papawirin na may ilang pag-ulan.

Delikado pa rin ang magbiyahe sa karagatan dahil sa maalon bunga ng malakas na hangin sa timog-kanluran hanggang timog.

Ang ilang mga kailugan sa Bicol ay bumaba na ang lebel ng tubig maligan sa Lake Buhi.

News Image #3


(Mga larawan mula sa PAGASA)