Isang water detention tank na kayang saluhin ang 22, 000 kubiko metrong tubig ang dahilan kung bakit hindi bumabaha sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.
Ang water detention tank ay nakalagay sa ilalim ng Burgos Circle na nasa Forbes Town Center, 29th Street sa BGC. May lalim itong 12 metro o katumbas ng 4 na palapag na gusali.
(Larawan ng Taguig.com)
Ang tubig-ulan ay iniimbak dito bago palabasin sa kontroladong paraan tungo sa mga creek at sa Pasig River na lumalabas naman sa Manila Bay. Dahil dito, napipigilan ang pagbabaha sa mga kalsada ng BGC.
Mayroon ding kahalintulad na imbakan ng tubig-ulan ang Tokyo, Japan na tinatawag na Metropolitan Area Outer Underground Discharge Channel , kung saan dinadala rin ang ang naimbak na tubig sa ilog kapag umuulan ng malakas.
(Larawan mula sa Interesting Engineering)
Ayon naman sa dating Executive Director ng League of Municipalities sa Pilipinas at dating presidente ng Universidad de Manila na si Malou Tiquia, importante ring mahukay ang mga ilog at pinagdadaluyan ng tubig sa Metro Manila. "Plus a decision on reclamation should be made once and for all. And then, plant, plant, plant so trees can hold the water since without trees, water will seek its own way out and that often leads to NCR being a drainage basin."
Walang Baha sa BGC: Water Detention Tank sa Ilalim ng Burgos Circle, Nakakasalo ng 22, 000 Kubiko Metrong Tubig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: