Ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi maaaring bigyan ng "double discount" ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs).

News Image #1


Sinabi ni Asst. Secretary Amanda Nograles ng DTI Consumer Protection Group na kapag nasa ilalim na ng promotional discount ang isang produktong ibinebenta, mamimili na ang senior citizen o PWD kung ang kukunin niya ay ang promotional discount o ang diskwento niya bilang senior citizen.

Ito aniya ay nakasaad sa Republic Act 9994 o tinatawag na "Expanded Senior Citizen Act of 2010."

Nakalagay sa Section 4 nito na: "In the purchase of goods and services which are on promotional discount, the senior citizen can avail of the promotional discount or the discount provided herein, whichever is higher."

(Larawan mula sa Department of Trade and Industry)