Bukas ngayong Disyembre 30 at sa Disyembre 31, 2024 ang
Walang Gutom Kitchen food bank ng pamahalaan.
Magsasara lamang ito sa Enero 1, 2025.
Sinabi ng tagapagsalita nt Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Irene Dumlao na malayang makakakuha ng kanilang pagkain ang mga nangangailangan sa Walang Gutom Kitchen na nasa Pasay City.
Makikita ito sa Nasdake Building sa FB Harrison at Williams Street, Barangay 13, Pasay City.
Layunin ng Walang Gutom Kitchen na tulungan ang mga nagugutom at bawasan ang pagsasayang ng pagkain sa pamamagitan ng donasyon na sobrang pagkain ng mga restaurants, hotels, fast food chains at pribadong organisasyon.
Tiniyak ni Dumlao na malinis ang mga ito at hindi tira-tira. Ang ilan sa ibinibigay sa kanila ay hindi pa luto kaya't ang DSWD na ang nagluluto ng mga pagkain.
Tuloy-tuloy rin aniya ang suplay ng pagkain dito dahil tiniyak ng mga donors na hindi sila titigil sa kanilang donasyon
Plano ng DSWD na dagdagan pa ang Walang Gutom Kitchen sa iba't ibang lugar sa bansa sa susunod na taon.
Tinatarget nila ang mga lugar na mataas ang bilang ng mga nakatira sa kalye.
(Mga larawan mula sa DSWD)
"Walang Gutom" Kitchen, Bukas Ngayong Disyembre 30 at 31, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: