Sinuspinde ng Malakanyang ang klase sa lahat ng lebel at trabaho sa mga opisina ng gobyerno sa Manila at Pasay City sa Lunes, Enero 13, 2025.
(Larawan ng Presidential Communications Office)
Ito ay dahil sa isasagawang "National Rally for Peace" ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Luneta, Rizal Park sa Manila.
(Larawan ng Iglesia ni Cristo)
Sa ipinalabas na Memorandum Circular No. 76 ng Malakanyang ngayong Biyernes, nakasaad na ang mga frontliners sa opisina ng gobyerno ay may trabaho pa rin.
"However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue their operations and render the necessary services," ayon sa kautusan ng Malakanyang
Ang mga pribadong kumpanya sa Manila at Pasay ay binigyan ng layang magsuspinde rin ng trabaho kung kanilang ninanais.
Una rito ay sa Liwasang Bonifacio sa Manila dapat isasagawa ang peace rally ng INC.
Isasagawa rin ang katulad na pagtitipon ng INC sa kaparehong araw sa Legazpi (Albay), Ilagan (Isabela), at Puerto Princesa (Palawan) sa Luzon; Cebu, Iloilo, at Bacolod (Negros Occidental) sa Visayas; at sa Davao, Pagadian (Zamboanga del Sur), Butuan (Agusan del Norte), at Cagayan de Oro (Misamis Oriental) sa Mindanao.
Ang peace rally ng INC ay bilang pagsuporta sa posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na iwasan ang kaguluhan sa bansa at huwag isulong ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Walang Pasok: Klase at Trabaho sa Gobyerno sa Manila at Pasay, Suspendido sa Enero 13, 2025 Dahil sa INC Peace Rally | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: