Sinuspinde ng pamahalaang Marcos ang pasok sa gobyerno at mga klase sa lahat ng lebel sa buong Luzon bukas, Oktubre 23, 2024, dahil sa Bagyong Kristine.

News Image #1

(Larawan ng PCO)

Gayunman, ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahatid ng pangunahin at pangkalusugang serbisyo, mga may kinalaman sa paghahanda at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at iba pang may kinalaman sa importanteng serbisyo ay magpapatuloy pa rin sa kanilang operasyon, ayon sa Presidential Communications Office.

Ang pagsuspinde naman ng trabaho sa mga pribadong kumpanya o opisina ay iiwan na sa pagdedesisyon ng mga namumuno sa mga ito.