Simula sa Agosto 31, 2024, ang mga motoristang dumadaan sa expressways na wala pa ring radio frequency identification (RFID) devices at kulang din ang balanseng pera o load ay magmumulta na.

News Image #1


Batay sa Joint Memorandum Circular No. 2024-001, na nilagdaan ng Department of Transportation, Land Transportation Office (LTO) at Toll Regulatory Board (TRB) noong Agosto 1, 2024, ang mga motoristang papasok sa toll roads na walang balidong RFID o electronic toll collection (ETC) device, o sira ang device, ay magmumulta ng mga sumusunod:

First offense - P1,000
Second offense - P2,000
Subsequent offenses - P5,000 per offense

Kapag naman lalabas sa expressway at hindi rin sapat ang balanse ay magmumulta ng mga sumusunod:

First offense - P500
Second offense - P1,000
Subsequent offenses - P2,500 per offense

Kapag gumamit naman ng peke at tinangkang ipeke, at sinirang RFID device at e-card sa pagpasok at paglabas sa toll expressways, maaari ring magmulta ng sumusunod:

First offense - P1,000
Second offense - P2,000
Subsequent offenses - P5,000 per offense

Ang Joint Memorandum Circular No. 2024-001 ay magiging epektibo sa pagtatapos ng buwang ito.

(Mga larawan ni Vera Victoria)