Animnapu't anim na porsiyentong mabubuo ang La Niña sa Setyembre hanggang Oktubre na lilikha ng mas madalas na mga bagyo sa Pilipinas

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

Maaari ring magpatuloy ito hanggang sa unang bahagi ng 2025.

Gayunman, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang La Niña na mararanasan o patuloy na pag-ulan ay mahina lamang.

Maaari anilang bumuo ito ng 8 hanggang 14 na bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR),


Sa darating na Setyembre at Oktubre, sinabi ng PAGASA na aabot sa 3 bagyo ang tatama sa bansa.


Ang mga pangunahing dam ay inaasahang normal lamang ang magiging lebel hanggang Nobyembre subalit ang Magat Dam sa Isabela ay posibleng umabot sa lebel ng pag-apaw o higit pa sa maximum nitong 193 metro sa iabbaw ng lebel ng dagat.